Wednesday, 17 July 2013

"Si Inay"


Si Inay ang nagpalaki at sa aki’y bumuhay
Kami’y minahal at naitaguyod ng matagumpay
Pinrotektahan at  ipinagtanggol sa mga kaaway
Kaya ngayon aming buhay ay matiwasay

Hindi niya kami pinababayaan
Sa kahit anong problemang aming pinagdaaanan
Kami’y Pinapayuhan at tinutulungan
Kaya ito’y aming nalalampasan

Siya ay tunay na maipagmamalaki
Dahil sa kanyang magagandang ugali
Mapagmahal, Masipag, Matiyaga
Maalahanin, masinop at maaruga

Wala na akong mahihiling pa
Dahil lahat ay napunuan na niya
Pagsasakripisyo, pagaaruga at pagmamahal
Lahat ay kanyang ipinaramdam

Siya na ata ang pinakadabest na nanay sa mundo
Kaya ang laki ng pasasalamat ko
Hihilingin ko kung ako’y bibigyan pa ng isang buhay
Na siya ulit ang aking maging nanay